Jigsaw Puzzle

“Love yourself like how you love and serve other people” – Aleah Pederoso (NCFPI Patient Volunteer)

Ang buhay ko ay tila isang jigsaw puzzle bawat piraso nito ang siyang magdudugtong at magsasama-sama upang bigyan-kahulugan. Bata pa lang ako alam ko na may kakaiba sakin, iba ako sa pagkaraniwang bata. Sila? Walang
marka ng tahi sa bibig, pantay ang pagkakahulma ng ilong, at higit sa lahat ang kanilang pananalita ay normal. Ipinanganak akong may “complete cleft lip and palate.

Elementarya pa lang ako danas
ko na ang mga samo’t-saring pangungutya mula sa aking mga klasmeyt at mga schoolmate. Pagtuntong ko ng sekondarya, saksi ang aking mga mata sa mga mapanuring titig, mga pigil na
tawanan at dinig ng aking tenga ang mga salitang mapagpintas sa tuwing makikita nila ako.

Nariyan ang pagtawanan ako sa tuwing magsasalita ako, gayahin kung pano ako magsalita, ang sabay-sabay na kantyaw para pakantahin ako. Mga mapipintas at mapangkutyang mga salita ang
natamo ko. Pero lahat ng iyon ay tiniis ko, iniyakan at di ko na lamang pinagtutuunan ng pansin.

Mabuti na lamang ang pamilya ko ang siyang unang yumakap sakin kung sino ako. Pamilya ko ang naging isang dahilan bakit ako patuloy na lumalaban sa hamon ng buhay. Ang nanay, tatay at mga kapatid ko ang naging parte ng jigsaw puzzle ng aking buhay. Sila ang palaging nakasuporta at nagbibigay motibasyon sakin.

Taong 2012, nakilala ko ang Noordhoff Craniofacial Foundation Philippines Inc. (NCPFI), organisasyon na tumutulong para sa mga pinanganak na may cleft. Nang makita ko ang mga may katulad sa kondisyon ko nalaman ko na hindi pala ako nag-iisa. Akala ko kasi noon ako lang yung may ganitong sitwasyon.

Sa kaparehong taon, makalipas ang ilang buwan na pagpapagaling sa unang operasyon ko ay pumasok ako bilang isang volunteer sa NCFPI. Sa simula pa lamang ay niyakap at minahal ko na ang pagiging volunteer ko sa foundation kung saan nagbigay kahulugan at higit sa lahat humubog sa aking pagkatao.

Makalipas ang ilang operasyon ay nagkaroon ako ng oportunidad na bumalik sa pag-aaral sa kolehiyo. Habang nag-aaral ako ay nagagawa ko pa din mag volunteer sa NCFPI. Di ako napapagod na tumulong sa mga taong naging parte ng buhay ko. Dito ko nakita ang sarili kong maging masaya. Bukod sa nakakatulong ako sa mga doktor na tumulong saken, mga staff at mga magulang ng pasyente dito ko nahubog yung sarili ko.Kung paano makisalamuha sa maraming tao at dito ko nalaman na di ako nag-iisa—sila’y naging isang pamilya ko din.

Nakapagtapos ako ng pag-aaral sa kursong Bachelor of Science in Psychology at sa ngayon ang larawan ng aking buhay ay unti-unting nabubuo at patuloy na lumalawak sa tulong ng patuloy na
pagdudugtong-dutong ng mga piraso ng jigsaw puzzle.

Dalawang taon na kong nagtatatrabaho
bilang isang student affairs assistant sa isang school sa quezon city. Sa dalawang taon ko bilang isang empleyado mas marami pa kong natutunan sa buhay at may mga pagkakataon na sumasama
ako sa mga organization na nagbibigay ng outreach program para sa mga home for the agent, cancer patient at marami pang iba. Di ako magsasawang tumulong sa abot ng aking makakaya.

Sometimes we may think that the simple things we make for others are small things but through that small things we already make a big difference to their lives. By doing this, it will give a new beginning for others to SMILE. This is my passion in life and I am so blessed to find what I want to do in my life and in the future.

I know it wasn’t an easy road to get to. But like the sun in the morning, I know I can also rise again. Remember that you can achieve your goals and dreams in life but don’t let your disability hinder you from success. You need to humbly accept your fate. Thank you Lord for everything!

Thank you to all of the people who loved and cared for me and who have been part of this. I gained much self-confidence and a brighter outlook in life.

A special appreciation and gratitude to Dr. Sam Noordhoff, I appreciate what you did for us.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *