Baby Arci: #CleftSmile

“Kahit sa panahon ng pandemic ay patuloy pa rin ang NCFPI sa kanilang pagtulong kaya’t buong puso ang aking pasasalamat dahil bumalik ang magandang ngiti ng aming munting prinsesa.” – Jaynabelle M. Alcantara (NCFPI Patient’s Mother)

Nang ipinanganak ko si Arci Isabelle M. Alcantara noong Dec.7,2019 ay hindi namin inakala ng asawa ko na magkakaroon ng cleft lip at Alveolus ang aming prinsesa. Noong sinabi ng Doctor na may bingot daw ang sanggol na aking isinilang ay lubos akong nagtaka dahil naging maingat ako sa aking pagbubuntis at sa tatlong ultrasound ko ay hindi nakita na may ganoong kondisyon si Arci.

Sa unang sulyap ko palang kay Arci ay kagandahan na agad niya ang nakita ko, may pangamba man sa aking dibdib sa magiging reaksiyon ng asawa at pamilya ko ay nawala ang lahat ng iyon dahil mas nakita ko ang pagmamahal nila sa anak ko.

Pagkalabas namin ng Hospital ay naghanap agad kami ng asawa ko kung saan maaaring maoperahan si Arci habang baby pa siya. Kaya’t pasalamat ko sa mga katrabaho ng asawa ko dahil sila ang nag refer sa amin ng NCFPI at nakita ko ang kanilang Facebook page na nakikita ko ding na feature sa TV kaya agad akong nag-message at nabigyan agad ng schedule.

March 10,2020, ilang araw bago mag-lockdown sa buong Metro Manila ay naoperahan si Arci. Isang buong pusong pasasalamat sa mga staff at Doctor’s ng foundation. Malaki ang naitulong sa amin ng NCFPI dahil mas gumanda na ngayon ang kanyang ngiti.

Para sa mga magulang ng may anak na cleft, wag tayong magsawang tumulong sa pamamagitan nang pag-refer sa kanila sa NCFPI. Sa simpleng pagbabahagi ng kaalaman sa pagpapalaki ng anak na may cleft ay malaking tulong na sa kanila. Mas tatagan lamang natin para sa ating mga anak dahil tayo ang kanilang tagapagtanggol.    

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *