Cleft Child is a Blessing

“Mahalin at alagaan natin ang ating mga anak anuman ang kanilang kalagayan, dahil sila ang tanging regalo ng Diyos sa ating mga magulang” – Mauralyn Boco (NCFPI Patient Mother)

Taong 2015 nang nakilala nang pamilya ko ang NCFPI. Pinanganak ko noon ang aming panganay na si Fairyleen, siya ay may cleft lip. Dinala siya ng asawa ko sa Ospital ng Muntinlupa para ipa-check ang kanyang sitwasyon ngunit tila isang pagkakataon na nakita ng asawa ko ang poster NCFPI sa bulletin board ng Ospital.

Dinala namin sa NCFPI si Fairyleen at naging matagumpay ang kanyang operasyon sa labi. Ngunit sinubok ulit kaming mag-asawa. August 2019 ay nagsilang akong muli ng isang sanggol. Nagulat kaming mag asawa dahil si Baby Raiszen ay mayroon namang cleft lip at palate. Panibagong pagsubok ito para sa aming mag-asawa ngunit tinanggap namin siya ng buong puso. Naging masaya kaming mag-asawa dahil isa siyang malusog na bata.

April, 2020 dapat ang kanyang operasyon ngunit ng dahil sa pandemic ay kanselado ang lahat ng operasyon ng NCFPI ngunit hindi kami nawalan ng pag-asa. Isa kami sa nabigyan ng schedule ng operation noong November 3, 2020. Malaki ang aming pasasalamat lalo na sa kanyang surgeon na si Dr. Jay Lizardo. Ngayon ay naghihintay na lamang kami ng sa susunod niyang operasyon sa kanyang cleft palate.

Nabigyan ng bagong pag-asa ang dalawa kong anak sa tulong ng NCFPI. Ngayong malapit na ang kapaskuhan, isang malaking regalo na sa amin na makita ang maganda at maayos na ngiti ng mga anak ko.

Nawa’y ang mga magulang na kagaya kong may anak na may cleft lip and cleft palate ay huwag mawalan ng pag-asa dahil may mga taong ipapadala ang Diyos katulad ng NCFPI upang matulungan tayo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *