
Joy of Service – Jose Ringad Jr.
"Masaya sa pakiramdam na makatulong at makita mo na ang mga taong may katulad na sitwasyon ko ay kasama ko pagbubuo ng magandang ngiti." - Jose Ringad Jr. (NCFPI Patient/Volunteer) Ipinanganak ako na may cleft lip at cleft palate, 7 taong gulang ako nang naoperahan ang aking cleft lip. Dahil nag-aaral na ako noon sa Grade 1 madalas akong tinutukso ng aking mga kaklase sa aking sitwasyon. Kaya noong nag- bakasyon ay pina-operahan ako ng aking mga magulang sa Perpetual Help Hospital, Las Piñas city, sa tulong ng isang sponsor at naging matagumpay ang aking operasyon. January 2010, inirekomenda ako ni Ms. Arlene Gacutan sa NCFPI dahil meron daw libreng operasyon sa cleft lip at cleft palate at isa siya sa mga pasyente na natulungan ng foundation. Hindi ako nagdalawang-isip,…