
Padayon Shaina!
"Alam ko na darating ang araw na ang dating pangarap ay hindi na lamang magiging isang pangarap dahil may NCFPI na handang tumulong sa mga katulad ko" - Shaina Mae B. Gonzales (NCFPI Patient and Volunteer) Kasalukuyan ako'y dalawampung taong gulang at ipinanganak ako na may cleft lip at palate. Ngayo'y nasa unang taon na ako sa kolehiyo at kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Tourism and Management dahil pangarap kong maging isang flight attendant kahit maraming mga tao ang humahamak sa pangarap ko. 18 days old pa lamang ako noong simulang ipa-assess ang aking kondisyon. Pagkapanganak pa lamang sa akin ay naranasan na ng aking mommy at lola ang hirap sa pagpapakain. Hindi ako katulad ng ibang baby na madaling ipa-breastfeed o painumin ng milk sa baby bottle…