
Journey of a Facial Cleft
"Kung nakayanan namin, makakayanan din ninyo." - Gregory Viste (NCFPI Patient Parent) Kaming magulang ni Roejan Geri L. Viste ay ikinasal noong 2003 at inumpisahang harapin ang buhay ng isang may pamilya. Sa unang pagkakataon ay nagbuntis ang aking asawa at isinilang si Roejan noong Mayo 21, 2008. Kami ay nanabigla sa kalagayan ng aming anak. Lubos ang paghahanda namin sa pagsilang ni Roejan; kami ay regular na nagpapakonsulta, at ni minsan ay walang nakitang problema sa kanyang pagbubuntis ang mga doktor na sumuri sa asawa ko. Kaya't kami ay sobrang nagulat, nalungkot at nangamba sa kalagayan ni Roejan noong siya ay isinilang at ayon sa mga doktor ay meron siyang “facial cleft.” Pagkaraan ng isang buwan ay unti-unting nasira ang kanyang kanang mata at kami ay sinabihang dalhin siya…