
Happy Grandparents’ Day
"Wala sa edad ang pagtulong, ang mahalaga ay ang pusong naghahangad na makapagbigay ngiti sa kapwa" - Mergie Tibay (NCFPI Volunteer) Taong 2010, nang nakilala ko ang NCFPIs pamamagitan na rin ng pagiging volunteer ko sa Tahanang Walang Hagdanan. Marami na akong karanasan sa pag volunteer hindi lamang sa NCFPI pati na rin sa mga taong nangangailangan ng tulong na lumalapit sa akin. Lubos kong priyoridad ang mga may kapansanan sapagkat dahil may anak din akong PWD, siya ay isang visual impaired. Napakasarap sa pakiramdam na maging kabahagi ka ng isang foundation tulad ng NCFPI na may mababait na staff, doctors, at iba pang volunteer. Lubos rin ang aking kasiyahan na matulungan ang mga magulang at pasyente lalo na't ang araw ng kanilang operasyon ay kanilang napagtagumpayan. Tuwing Lunes, 4am…